Anne Curtis, Apektado Sa Pagiging Emosyunal ni Kulot Sa It's Showtime!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Maging ang host-actress na si Anne Curtis ay napaiyak sa pagiging emosyunal ni Kulot sa Isip Bata segment ng It's Showtime.


Sa nasabing segment, hindi maitago ng bata ang kanyang pagtatampo sa kanyang ama na may katext umano sa selpon. Pinapaliwanagan naman nila ni Vice Ganda ang bata na mahal siya ng kanyang tatay at wala na iyong mga katext nito.


tila malaki talaga ang pagtatampo ng bata dahil kahit sinabi ni Vice na yakapin niya ang ama ay magalang itong tumanggi. Maging ang ina ni Kulot na kasama din ng ama niya na nasa audience ng It's Showtime ay napapahid din ng luha. 


Maging ang mga netizens ay naantig sa kanyang pag-iyak at sa katunayan ay nasa trending topic ang pangalang "Kulot" sa Twitter kasunod ng madamdaming eksena.


"Yung ginagaslight ng mga host si kulot in a good way para ma divert yung nasa isip nya 😭 tas si anne na teary eyed pa. Sorry kulot, kung masaya kang namulat sa kapangahasan ng mundo."


"Alam ng bata kung ano dapat ang isang magandang imahe ng pamilya - bagay na hindi niya nararamdaman kaya siya nasasaktan."


"Dinadaan nya sa patawa tawa at pajoke joke pero deep inside ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Hugs for you kulot."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo