Andrea Brillantes, Tinatawag Ngayong Clout Chaser at Papansin Dahil Sa Ginawa Sa Blackpink Concert!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ginawang promposal ni Andrea Brillantes sa kanyang nobyong si Ricci Rivero sa mismong concert ng Blackpink sa Manila.


Nakatanggap ng maraming positibong komento si Andrea Brillantes matapos hilingin sa mga miyembro ng Blackpink sa concert ng mga ito sa Pilipinas na tulungan siyang mag-propose kay Ricci Rivero na sumama sa kanya sa prom.


Gayunpaman, mayroon ding mga netizens ang nang-bash kay Andrea dahil sa ginawa niya noong concert, na tinawag siyang "papansin" at inakusahan siyang "clout chaser."


Matapos makita ang mga negatibong komento, kaagad na ipinagtanggol ng kapatid ni Andrea na si Kayla Aan Gorostiza ang aktres mula sa kanyang mga basher. 


Sa Instagram story ni Aan, ipinaliwanag niya na gustong makuha ni Andrea ang atensyon ng K-Pop group dahil mga idol niya ang mga ito. 


Hinimok din niya ang mga bashers na aminin na gusto rin nilang makuha ang atensyon ng Blackpink tulad ng kanyang kapatid. 


“Yes, yun naman talaga ang point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya magpapansin sa idoles nya?Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng Blackpink, okay?"


Iginiit pa niyang mga bitter lamang ang mga bashers dahil ang kanyang kapatid ang napansin ng Blackpink.


”Artista siya pero hindi ibig sabihin non na bawal siya umasta na parang normal na tao… Gusto niya lang maging super special ang first prom niya. Let her be… Leave my sister alone you bitter people,” pahayag ni Aan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo