Willie Revillame Nagsagawa Na Nang Loyalty Check sa Kanyang mga Empleyado!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang isinagawang loyalty check umano ni Willie Revillame sa mga empleyado ng kanyang programang Wowowin.


Isa umano ito sa mga natalakay nina Cristy at Romel Chika at Wendell Alvarez matapos nilang isiwalat sa mga naunang mga episodes ng kanilang programa ang ilang mga isyu ukol kay Willie Revillame at sa totoong katauhan nito.


"Naglo-loyalty check po ngayon si Willie Revillame sa kanyang mga tauhan. Sa kanyang staff," pagsisiwalat ni Willie Revillame.



Dagdag pa ng kolumnista, "Ito yung mga taong naglingkod sa kanya dati na sa hindi inaasahang panahon ay pinalayas nga."

 "Naipon ng naipon ang kanilang sentimyento kay Willie...Paano kung malalakas talaga ang loob ng mga taong ito na lumaban sa'yo?"


Muli pang pinayuhan ng kolumnista si Willie Revillame na magpakumbaba dahil marami pa rin naman ang nagmamahal sa kanya.


"Minahal siya ng publiko bilang siya. Kapag siya ay nagpakumbaba, at inabot niya ang publiko iba ang lahi natin. Mapagpatawad ang mga Pilipino."

"Kapag nalaman na ng mga Pilipino na nagpapakumbaba at nakalapat na ulit ang dalawang paa sa lupa, walang kwestyon."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo