Vilma Santos Hindi Papayag Makulong Ang Anak Na Si Luis Manzano Sa Scam Issue!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin matanggap ng ina ni Luis Manzano na si Vilma Santos na nakatanggap na ng subpoena ang kanyang anak.

Ito'y kasunod ng pagkakadawirt sa kanyang pangalan sa Flex Fuel Scam. Hindi rin umano makakapaniwala si Vilma na makakapangloko ng tao ang kanyang anak. Ayon pa kay Vilma, pinaalalahanan niya noon ang kanyang anak at baka maloko lang din at nagkatotoo na nga ngayon.

Samantala, nakatanggap na ng subpoena si Luis Manzano mula sa NBI dahil siya ang inireklamo ng mahigit 100 na investors na umano'y na scam.

Ayon sa mga investors, si Luis ang nagpakilalang co-owner at chairman of the board kaya nainganyo silang mag-invest ng halos umabot sa isang milyon.

Subalit, hanggang ngayon ay wala pa ring napapatayong gas station ang Flex Fuel kaya nagreklamo na ang mga investors dahil tila naloko lamang sila.

Handa naman umano nilang iurong ang reklamo basta maibabalik ang kanilang pera. Samantala, iginiit ng pamunuan ng Flex Fuel na wala sila dinihadong tao bagkus naapiktuhan ng labis ang kanilang kompanya dahil sa nagdaang pandemya at gyera sa Ukraine.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo