Binabatikos Ngayon Sina Aj Raval at Aljur Abrenica Matapos Nilang Ipangalandakan Ang Relasyon!

Martes, Pebrero 14, 2023

/ by Jerome

 

AJ Raval at Aljur Abrenica ipinakita na ang kanilang relasyon sa social media, pero imbis na suporta ang makuha mula sa netizen ay kagimbal-gimbal na pagbabatikos ang mga naging komento ng mga netizen sa kanilang pag jojowa reveal. 

Usap-usapan nga ngayong araw ng mga puso ang pagbubunyag na sa publiko ng relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang larawan sa kani-kanilang social media accounts. Ipinagsigawan na nga ng actress na si AJ Raval ang totoong score sa pagitan nila ng actor na si Aljur Abrenica ngayon lang mismo sa araw ng mga puso. 

Sa Instagram account naman ni AJ Raval ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Aljur na parang nagsasayaw sa tabi ng dalampasigan at nilagyan niya pa ito ng caption na "I'll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally." at makikita naman na nag react dito si Aljur at isang red heart emoji ang kanyang iniwan sa comment section. 

Agad naman itong umani ng samot saring reaction ng mga netizen, isa naman sa nag comment ng tila inaanunsyo na ni AJ Raval na isa siyang other woman dahil sa usapang legal ay kasal parin sila Kylie at Aljur. Heto pa ang iba pang mga naging komento ng netizen, "Tapang 🤣 Pwede tong kasuhan hahahhaa"

Hindi pwede to! 😡"

"Time is the ultimate truth teller nga tlga🤣"

"Aj, nakakalungkot. You are now declaring urself as a ''the other woman'' Legally, Kylie and Aljur are still married, binded by vows 😭😥 Sana magiging matatag ka when consequences come 😓"

"Ang kapal deny pa more😆"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo