Vice Ganda, Sinabing Okay Sila Ni Karylle Pero May Pasaring Kay Kuya Kim?

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


 Agad na nilinaw ni Vice Ganda ang kumakalat na isyu kung saan sinabing binastos niya umano si Karylle sa isang segment ng kanilang show na It's Showtime. Ayon kay Vice nagkasama at naka-usap na umano sila ni Karylle sa dressing at doon ay ok naman sila.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw siya naoffend when I asked her. But I still apologized. So to simplify WE ARE OK,” paglalahad ni Vice Ganda.

Naunang ipinahayag ni Vice Ganda na alam niya ang kanyang mga nagawa kay Karylle at sinabing babawi siya sa lahat.

Samantala, sa pag-ere ng noontime show ngayong hapon, nagbiruan pa ang mga hosts na marami umano ang manonood sa kanila ngayon dahil sa isyu. Subalit, ang mas napansin ng ilang mga netizens ang ang tila pagpapasaring naman ni Vice Ganda sa dati nilang kasamahan sa show na ngayo'y nasa kabila na si Kuya Kim.

“‘Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo kunwari, tas maraming maglalike-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga Kuya!” saad ni Vice.

Samantala, hindi pa naman naglabas ng anumang reaksyon o tugon mula sa kampo ni Kuya Kim.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo