McLisse Kumpirmadong Nagkabalikan Na! Misunderstanding Lang Ang Lahat!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Kinumpirma na ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon ang pagbabalikan at pagkakaayos nila ng kanyang partner na si Elisse Joson.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nakapanayam ng isang showbiz reporter si McCoy sa guesting nito sa “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo, February 5, 2023.

Nagkasundo at nagkabati na umano silang dalawa para na rin sa kanilang anak na Baby Felize. Ayon pa kay Mccoy, online miscommunication lamang ang naging dahilan ng pagtatampuhan nilang dalawa.

Matatandaang, noong January 2023, inamin ni Mccoy De Leon na hiwalay na sila ni Elisse Joson. Gayunpaman, iginiit ni Mccoy na walang third party na namamagitan sa hiwalayan nila.

Matapos ang ilang araw ng pag-amin ni Mccoy sa kanilang paghihiwalay ay nakita naman siyang tila sinusuyo ang ina ng kanyang anak.

Samantala, kaagad namang umani ng hating opinyon at reaksyon mula sa mga netizens ang pagbabalikang ito ng dalawa. May mga nagsasabing tama lamang ang desisyon ni Elisse na patawarin si Mccoy para maging buo ang kanilang pamilya.

Subalit, may mga nagsasabi namang nagtatanga-tangahan lamang si Elisse kahit pa harap-harapan na siyang niloloko ni Mccoy at patuloy lamang itong pinapatawad.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo