Sharon Cuneta, Bawal Sa Mga Handaan?

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng isang panayam ang Megastar na si Sharon Cuneta sa YouTube channel ng kaniyang kumpareng si Ogie Diaz na “Ogie Inspires.”


Matagal nang magkaibigan ang dalawa. Sa katunayan, inaanak ni Megastar Sharon sa binyag ang panganay na anak ni Ogie at misis niya.


Isa sa mga natanong ni Ogie kay Shawie ay kung naooffend ba ito kapag binabanggit ang “Sharon” sa mga handaan. Ibig sabahin ng 'Sharon' ay “magbabalot ng pagkain” para iuwi. Mula kasi ito sa iconic movie niyang “Bituing Walang Ningning.”


Ayon kay Sharon, hindi naman siya naooffend, bagkus ay tuwang-tuwa pa siya.


“Tuwang-tuwa ako!” natatawang pahayag ni Sharon.


Madalas pa umano ay nakikita niya ang mga memes patungkol sa kaniya sa social media. 


Aniya, nakakatuwa na kahit paano may naaalala sa kanya ang mga tao kapag may handaan.


“Ang cute naman kasi at least naaalala nila ako ‘di ba?” hirit pa ng Megastar.


“Hindi ka ba naooffend sa gano’n?” muling tanong ni Ogie.


“Not at all, not at all,” tugon ni Sharon. 


“Naaaliw ako, tuwang-tuwa ako!” dagdag pa niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo