Hiwalayang Skusta Clee at Ava Mendez Katotohanan O For The Content Lang?

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan na naman ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang rapper na si Skusta Clee at Vivamax actress na si Ava Mendez.


Napansin kasi ng ilang mga netizens na deleted na ang mga larawan na magkasama sa kani-kanilang Instagram account at hindi na rin sila nakafollow sa isa't-isa.


Bukod pa rito ay tila nagparinigan at patutsadahan din sila sa kani-kanilang social media accounts.


“Maganda ‘yung design kaso hindi kasya sa paa ko,” pahayag ni Skusta sa isang post na ngayon ay burado na.


Nirepost naman ito ni Ava at sinagot sa caption, “Hala! Diba pag maliit yung paa maliit din yung ano?” May pa hashtag pa nga ang dalaga ng “#LittleFoot”.


Bukod rito, may isa pang post si Skusta ng red flag emoji na burado na rin sa ngayon.

Banat naman ni Ava, “Mas obvious naman sa ating dalawa mas marami kang [red flags].”


Samantala marami sa mga netizens ang nagtataka kung talagang naghiwalay na ba sina Skusta at Ava o baka naman gimik lang ang ginagawa ng mga ito upang pag-usapan sa social media kagaya na lamang ng mga ginagawa ng mga taong medyo nalilimutan na online.


Kung saan gagawa ng isyu para lamang mapag-usapan at muling magtrending. Uso ito sa mga vlogger na nawawalan na ng distributions at promotions. Iyong kumukunti na lamang ang views.


Bagama't hindi pa man umaamin sina Skusta Clee at Ava sa kanilang tunay na relasyon ay nauwi na sa hiwalayan ang lahat.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo