Dina Bonnevie Binuking Si Christopher De Leon sa Vlog ni Snooky Serna!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


Goodvibes ang dala para sa mga netizen ang rebelasyon ng batikang aktres na si Dina Bonnevie patungkol sa premyadong aktor na si Christopher “Boyet” De Leon, sa vlog ng kaniyang kaibigang si Snooky Serna.


Sa pamamagitan ng 'Throwback Pictures' ay isa-isang ipinakita ni Snooky sa kaibigan ang litrato ng mga naging leading man ni Dina sa pelikula kagaya na lamang ni Christopher na kilala din sa palayaw na 'Boyet.'


Pagbabahagi ni Dina na noong nagsisimula pa lamang silang magtambal sa pelikula ay hindi sila magkasundo dahil madalas umanong late ang beteranong aktor.


Lagi raw niyang tinatarayan ang aktor sa tuwing malilate ito.


Hanggang sa magkaroon na umano sila ng kissing scene sa isang pelikula. Kaya bago raw nito ay sinadya ni Boyet na kumain ng bagoong bilang “ganti” sa kanyang katarayan.


Subalit, nang kalaunan ay pinuri na rin niya ang galing ng aktor lalo na't  nagbago na umano ang aktor at isa na sa pinaka magaling na artista sa buong bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo