Ruru Madrid Nagbigay Ng Dahilan Kaya Going Strong Sila ni Bianca Umali!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Ang celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang isa sa mga hinahangaan ngayon sa mundo ng showbiz.

Sa kanyang latest interview, ipinahayag ni Ruru Madrid ang kanyang kasiyahan sa suportang natatanggap nila ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali mula sa kanilang mga fans.

“Nakakatuwa na kahit papano marami po kaming napapasaya when it comes to our relationship or sa kung papano po kaming dalawa sa nakikita po ng mga tao sa social media,” pahayag ni Ruru.

Isiniwalat din ni Ruru Madrid ang kanilang sekreto kaya nagiging matatag ang kanilang relasyon.

“But I guess, kaming dalawa kasi ni Bianca, mas magkaibigan kami. Alam mo 'yung parang I would consider her as my bestfriend. And talagang alam ko na maasahan ko siya everytime na kailangan ko siya. Pagka namomroblema ako, siya 'yung takbuhan ko. Pagka malungkot ako, siya 'yung takbuhan ko. So, feeling ko malaking factor 'yun sa relationship namin.”

Matatandaang, kamakailan lamang ay sinupresa pa ni Bianca Umali ang kanyang nobyo na noo'y nasa Korea dahil sa adaptation ng Running Man Philippines.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo