Batch 2023 Ng Bb. Pilipinas Pageant ‘Beauty and Brains’!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Tila opisyal na ngang nagsisimula ang 2023 pageant season ng bansa matapos opisyal na inilabas ang 40 candidates na maglalaban-laban para sa prestigious title ng Bb. Pilipinas.

Ayon kay Raymond Villanueva, member ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Executive Committee, medyo tumagal ang final screening session kaysa noong nagdaang dalawang edisyon, ngunit nagbunga naman umano ito ng hanay ng mga kandidatang may “beauty and brains".

“This is one of the most intelligent batches. Everyone was just so confident, no buckle, no nothing.”

Ibinahagi din nito ang scoring ng final screening, kalahati ng score nagmula sa “beauty of face,” habang 30 percent naman ang mula sa “body figure. 10 percent naman ang “poise and personality” at “intelligence.”

Sa pagtatapos ng final screening, ipinakilala ng BPCI ang 35 applicants nagtagumpay at napabilang bilang mga opisyal na kandidata. Limang aplikante ang idinagdag makaraan ang halos isang oras mula nang ilabas ang unang results. Kabilang sa mga idinagdag na kandidata ang kapatid ng aktres na si Maja Salvador na si Jessilen Salvador mula Aklan.



Samantala, kapansin-pansin naman ang pagiging missing in action ng BB. Pilipinas 2022 First Runner up na si Herlene Nicole Budol.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo