Rabiya Mateo Nagsinungaling Sa Harap ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Inalmahan ng kapatid ng ex-boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion ang pahayag na binitiwan ni Rabiya sa mismong guesting nito sa programa ni Boy Abunda sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.


Matatandaan na sinabi ni Rabiya sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk na ang dahilan ng hiwalayan nila noon ni Neil Salvacion ay hindi pa siya handang magpakasal rito.


Kaya naman gumawa ng mahabang post si Nhel Skie at tinugunan ang mga claim ng Rabiya. 


Sinabi niya na hindi kailanman tinanggihan ni Rabiya ang proposal ni Neil, at sinuot pa umano ni Rabiya ang singsing bago nagsimula ang kanyang international pageant.


"You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally," bahagi ng post ng kapatid ni Neil.


Ibinulgar pa nito na may nangyari na pinili ni Rabiya na gumawa ng kasalanan sa kapatid niya. Buti na lamang at mabait ang kapatid niya kaya pinabayaan na lamang si Rabiya.


"Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that," pagbubuking nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo