Liza Soberano May Nilinaw Sa Mga Netizens!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Hindi naman pala daw na hack ang account ng actress na si Liza Soberano, dahil nakapag post na siya uli ngayon.


Mukhang sinadya lang daw ng actress na si Liza na burahin ang laman ng kanyang Instagram account para makapag simula daw ulit o maari ding pahiwatig daw ito ng bagong image ng actress. 


Makikita sa kanyang Instagram post ngayon ang screenshot ng tila kuha mula sa ilalabas niyang music video.


Naging caption pa nga ng actress ang tila linya ng mga lyrics na tungkol sa mga bulaklak. Binandera din ng actress sa kanyang Instagram story ang mga salitang " Life update soon." 


Marami sa mga tagahanga ni Liza ang natuwa na excited sa pagbabalik ng actress at hula ng karamihan sa kanyang tagahanga ay bagong Liza Soberano na daw ang sasalubong sa kanila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo