Andrea Torres, Hindi Makapaniwala

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Jerome


Andrea Torres hindi inakala na mapapansin ang kanyang husay sa pag-arte.

Hindi naman ikinakahiya ng actress na si Andrea Torres na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz ay isa lamang siyang extra, dahil sa extra lamang siya ay limang daan lamang ang natatanggap niyang bayad. Kaya naman napapagalitan na nga daw siya ng kanyang mga magulang at pinapahinto na sa showbiz. 

Sa halip na tumigil ay lalo siyang nagpursigi, hanggang sa dumating ang araw na merong nakapansin sa kanyang husay at galing umarte at nakagawa nga siya ng kanyang unang TV commercial. 

Mula noon ay nagkasunod-sunod na ang mga proyekto ng actress hanggang sa nabigyan siya ng break sa GMA. Sa re-make ng 2001 teleserye na Sana ay Ikaw na nga noong 2012. Pinagbidahan din ng actress na si Andrea Torres amg mga teleseryeng The Millioners Wife, Alyas Robin Hood, The Better Woman, Ang Lihim ni Ana Sandra, at marami pang iba. 

Kamakailan nga lang ay naparangalan si Andrea Torres ng Acting Award para sa pagganap niya bilang si Sisa sa Maria Clara at Ibarra. Tumatak naman sa mga manonood ang kanyang character bilang si Sisa na lubusan naman pinuri ng mga netizens dahil sa husay ng kanyang pagganap.


  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo