OOTD Ni Vhong Navarro Umani ng Reaction Mula sa Mga Netizens!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Agad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinidang OOTD ni Vhong Navarro sa kanyang Instagram account. 

Tuwang-tuwang ipinakita ng 'It's Showtime' host ang kanyang magarbong damit. Ibinunyag din ni Vhong na may isang brand na nagsurpresa sa kanya ng isang pares ng sapatos, na nag-udyok sa kanya upang mag-publish ng isang OOTD post. 

"Nakapag ootd bigla dahil sa pa-surprise na sapatos na pinadala ng @luxestation," pahayag ni Vhong Navarro sa caption ng kanyang OOTD post.

Hindi rin nalimutan ni Vhong Navarro ang pagpapasalamat rito dahil na rin sa walang sawang pagsuporta nito sa kanya.

"Maraming salamat sa patuloy na pag support mo sa akin."

Agad namang bumuhos ang samu't-saring papuri mula sa mga tagahanga ng actor-host.

"Ang ganda ng shoes! Pero mas agaw pansin ang may suot ng shoes.. Super pogi mo ngayon kuys Vhong. Iba talaga ang kinalabasan ng pagka-pogi basta marami ang nagmamahal at naniniwala sa'yo."

Marami rin ang nasisiyahan dahil sa panunumbalik ng sigla at confident ni Vhong Navarro matapos ang pagpapakulong sa kanya ng dating modelo na si Deniece Cornejo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo