Cristy Fermin Muling Inokray Ang Darna, Wala Pa Ring Dating!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Ferming teleseryeng Darna na pinagbibidahan ng akres na si Jane De Leon.

Sa nasabing programa, isiniwalat ni Cristy Fermin na may mga natatanggap silang mensahe kung saan pinagpapasalamat ng mga ito na magtatapos na ang Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Naglabas din ng prangkang pahayag si Cristy Fermin kung saan tahasan niyang sinabi na sa lahat ng Darna, ang pinagbibidahan ni Jane De Leon ang walang kadating-dating.

"Sa lahat ng Darna ito yung pinaka ano, 'yung walang kadating-dating," prangkang pahayag ni Cristy Fermin.

Isa pa sa mga naging dahilan umano nito ay ang pandemya at ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN kaya nagkulang ang kanilang pondo.

"Ang mga effects chararat!" pahayag naman Romel.

"E si Jane nga, hindi naman kagalingang umarte. Hindi pa maayos yung pagkakamolde' nung produksyon. Anong mangyayari diyan," muling pang-ookray ni Jane.

Pagbibiro pa ni Manay Cristy na sana'y si Joshua na lang ang binihisan ng Darna costume dahil tila ito lang naman ang inaabangan ng maraming netizens sa teleserye.

"Alam mo ang mabuti pa, ang binihisan na lang ng Darna si Joshua. Kasi ang galing nung bata. Walang sakit ng ulo. Sana pinagbaliktad na lang din. Sana itong si Janella na lang si Darna no?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo