Lolit Solis Sinabing Ok Lang Na Hindi Nagbigay Ng Sustento Si Paolo Contis Dahil Maari Pa Siyang Bumawi!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin online ang naging pag-amin ng aktor na si Paolo Contis na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes. Gayunpaman, ayon kay Paolo may inilaan siyang savings para sa mga ito na ibibigay niya sa isang bagsakan.

Agad naman itong umano ng samu't-saring negatibong komento kay Paolo dahil sa pagiging pabaya umano nitong ama sa kanyang mga anak. Marami rin ang hindi kumbinsido sa sinasabing ipon ni Paolo Contis para sa kanyang mga anak.

Samantala, tila iba ang pananaw ng talent manager na si Lolit Solis sa usaping ito patungkol kay Paolo Contis. Ayon kay Manay, maaga pa naman at maaari pa umanong bumawi itong Paolo Contis sa kanyang mga anak.

“Huwag na iyong pera na suporta, o anuman materyal, sana lang meron siyang ibinigay na oras para hindi maputol ang communication sa mga anak. Pero maaga pa, puwede pang bumawi ni Paolo Contis. Sana nga ay nag mature na siya para makita ang responsibilidad na nasa balikat niya,” pahayag ni Manay Lolit Solis.

Nilinaw naman ni Manay Lolit Solis na hindi niya masisisi ang ibang mga tao na madismaya kay Paolo Contis dahil sa tila pagpapabaya nito sa kanyang mga anak.

“Sana nga ay maayos na niya ang napaka salimuot na journey ng buhay niya. Totoo nga sana na may iniipon siyang pera para ibigay sa mga anak niya pagdating ng panahon. Bata pa nasa showbiz na si Paolo Contis. Kung iisipin mo napakarami na sana ng kinita niya at naging investment kung naging maayos ang financial handling niya.

“Huli na ang sisihan, pero dapat doble sipag at swertihin sana si Paolo Contis ngayon para matupad niya pangarap niyang bahay at malaking pera sa banko. Tatlo ang anak niya na dapat niyang pag ipunan, at kahit late niya naisip magpundar ng bahay, medyo hindi ganun kaganda ngayon ang lagay ng showbiz,” lahad pa ni Lolit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo