Luis Manzano Nagsalita Na Si Edu Manzano Sa Alleged Flex Fuel Scam | Vilma Santos | Jessy Mendiola

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Sparkle

 


Sa panayam ng beteranong aktor at TV host na si Edu Manzano sa premiere night ng 'Oras de Peligro', tinanong siya kung ano ang say niya sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang anak na si Luis Manzano.


Si Luis Manzano ay sangkot ngayon sa large scale estafa case na isinampa ng Flex Fuel investors kung saan si Luis Manzano ang naging Chairman at Owner.


Ayon kay Edu Manzano, nag-usap na sila ni Luis at haharapin ng anak ang anumang kasong isasampa dito.




"Well, nag-usap na kami but I'm not here to defend him. Matanda na yun eh. He is his own man. Kung anuman ang nangyari sa kanilang magkasosyo, that's something that we will find out after the lawyers and investigation has been conducted.", ani Edu Manzano.


Ayon kay Edu, hindi rin siya nilapitan ni Luis dahil naniniwala siyang kaya niyang harapin ang gulo na kanyang kinasangkutan.


Ayaw din niyang makialam. "Hindi, ayoko, wala naman akong kaalam-alam sa negosyong iyon. All he needs is get a lawyer and trust your lawyer."




"Other than that, anybody who opens their mouth, hindi nakakatulong sa kaso niya.", paliwanag ni Edu Manzano.


Aniya, "Nangyayari raw naman talaga na minsan ay napapahamak ang isang tao dahil sa mga pinili niyang pagkatiwalaan."


"In Luis case, matalik na kaibigan umano nito ang nakasosyo. It's not a unique situation, this has happened so many times", dagdag pa ni Edu Manzano.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo