Luis Manzano Lumutang Ang Isa Pang Ofw Flex Fuel Investor Sa Publiko Vilma Santos Edu Manzano Jessym

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Sparkle

 


Lumutang ang isa pang Flex Fuel investor na naging biktima ng umano'y Flex Fuel scam. Lumabas at nagsalita sa publiko.


Ayon sa kanyang pahayag, napag-alamang isa siyang OFW.


"Hindi naman siguro niya ipapahiya ang magulang niya, na isang Governor noon sa Batangas na si Vilma Santos at stepfather niyang si Senator Recto."


"Yun basically ang nagtrigger sa amin na mag-invest dahil kay Luis Manzano."


"Nagkaroon po kami ng co-owners night before. Present po siya, may pictures po ako. Sinabi niya po siya ang chairman. Siya ang owner ng Flex Fuel."


"Na kasama niyang nagtayo noon ay ang kaibigan niya na si Ildefonso 'Bong' Medel Jr na kasama niya rin sa LBR Taxi before. Alam namin na talagang kasama siya."




"Kahit sa youtube, nakikita niyo pa naman ang advertisements niya eh. So basically, talagang inamin niya na talagang owner siya", saad ng OFW


Nagtanong naman ang reporter, "Parang dalawa po kayo, mag-ina po kayo na nabiktima nito?"


Sagot ng OFW, "Actually nag-invest kami around 2019 kay Flex Fuel. Basically, nahikayat kami syempre. Luis Manzano yan, di ba? Ang family niyan nasa gobyerno eh."


"So, ang thinking namin, hindi naman babahiran ni Luis Manzano ang pangalan niya bilang nasa movie industry sya. And pati mga parents niya na nasa government."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo