Luis Manzano Lumutang Na! Matapang Na Hinarap Ang Mga Kaso Na Isinampa Sa Kanya Ng Mga Investor!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Luis Manzano lumutang na, matapang na hinarap ni Luis ang kaso na isinampa sa kanya nga mga investor ng Flex Fuel.


Handa na daw umanong linisin ng TV host na si Luis Manzano ang kanyang pangalan handa na daw siyang rumesbak at maghain din ng kaso laban sa mga investors na sinisira daw ang kanyang pangalan.


Matapos ngang hindi sumipot sa mga hearing itong si Luis Manzano ay harap-harapan na itong lumantad at nagbigay linaw sa mga ipinaparatang laban sa kanya.


Medyo matagal-tagal din daw ang kanyang pananahimik, matapos lumabas ang balitang nagtatago siya at lumipad na patungong ibang bansa para tumakas sa kasong kanyang kinakasangkutan.


Samantala nilinaw naman ni Luis na hindi daw siya umalis ng bansa at hindi daw niya tatangkaing tumakas dahil wala naman daw siyang kasalanan, para pagtaguan at takasan ang mga ito.


Dagdag pa ng TV host na si Luis na matagal na din daw niya itong na idulog sa batas, upang humingi ng tulong tungkol sa mga nawawalang pera ng mga investor.


Maging siya nga din daw ay naging bektima din ng Flex Fuel at hanggang ngayon ay hindi pa din daw niya nakukuha ang na invest niyang pera na nasa 66 milyon pesos pa ang halaga.


Tanging hiling naman daw ni Luis ngayon ay makipagtulungan nalang daw sa kanya ang mga investors at wag na siyang idiin pa para nang sa ganun ay pare-pareho nilang mabawi ang kanilang mga na invest na pera.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo