Rabiya Mateo Hindi Papatulan Ang Isyung Ibinato Ng Kapatid ni Neil Salvacion!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin online ang pag-alma ng kapatid ng dating nobyo ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion.


Matatandaan na sa guesting ni Rabiya sa Fast Talk with Boy Abunda isiniwalat ni Rabiya na ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex boyfriend ay ang pagtanggi niya sa wedding proposal nito.


Subalit, ayon sa reaksyon ng kapatid ni Neil na pumayag si Rabiya na magpakasal kay Neil subalit, nagkasala ito kaya hindi natuloy ang kasalan sana ng dalawa.


Agad naman umanong nakipag-ugnayan kay Rabiya ang show nina Boy Abunda upang hingin naman ang side nito hinggil sa viral post ng kapatid ni Neil Salvacion.


Subalit, tumanggi na umano si Rabiya na magbigay ng pahayag hinggil sa pahayag ng kapatid ni Neil Salvacion.


“Ang ginawa po namin, Nay, Tay, Kapuso, ay we reached out to Rabiya kung mayroon siyang sagot, kung mayroon siyang komento. She decided not to answer. So that's end of story,” pahayag ni Tito Boy Abunda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo