Jed Madela Labis Labis Ang Pagsisisi Sa Pagpapaunlak Ng Interview Kay Toni Gonzaga!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin ngayon ng ilang mga marites online ang umano'y pagkawala ni Jed Madela kahit pa sa bakuran mismo ng ABS-CBN.


Ayon sa ilang mga haka-haka, madalang na lamang nilang nakikita si Jed Madela sa ilang mga guestings sa Kapamilya networks.


Naging usapin rin ang biglaan na lamang itong pinalitan ni Darren Espanto sa pinaghuraduhan nitong segment sa noontime na It's Showtime.


May isyu pang tila binoboycott na umano ang singer dahil sa mga binitiwan nitong pahayag sa panayam kay Toni Gonzaga.


Tila hindi rin umano nagustuhan ng ABS-CBN at iba pang kasamahan niya sa trabaho ang pagpapa interview nito sa itinuring nilang enabler, na walang iba kundi si Toni Gonzaga.


Samantala, sa panayam naman ni Jed Madela sa Magandang Buhay, inamin niya na may mga pinagsisisihan siya sa kanyang mga nagawa nitong mga nakaraang linggo.


Ito ay walang iba kundi ang pagpapaunlak niya sa interview ng vlogger, host actress na si Toni Gonzaga.


Matatandaan na nagpaunlak sa isang one on one interview si Jed Madela kamakailan lamang sa programa ni Toni Gonzaga.


Marami pa ang nagulat na mga netizens noon sa pagpapaunlak nito sa imbitasyon ni Toni gayung alam naman umano ni Jed na marami ang nangboboycott sa anumang programa at endorsement ni Toni Gonzaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo