Bea Alonzo May Pinatunayan!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Jerome

 

Ilang beses na ngang napatunayan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang pagiging propisyonal pagdating sa trabaho.


Mukhang wala pa daw naririnig na reklamo mula sa mga nakasama niyang artista sa napakaraming pelikula at mga teleserye na kanyang nagawa sa loob ng mahigit dalawang dekada.


Kahit daw umano sa ginawang pagtatanong sa mga production staff na nakakatrabaho niya ay puro positibo at magaganda ang sinasabi ng mga ito tungkol kay Bea.


Kaya naman lagi siyang pinupuri ng mga nakakasama niya sa trabaho, at isa nga ito sa secreto ng actress kaya ngayon ay visible parin siya sa paggawa ng mga pelikula at mga teleserye.


Alam ba ng lahat na ang isa sa naging tatak ng actress pagdating sa professional career niya ay ang pagiging masunurin at may respeto sa kapwa niya artista.


Inamin din ni Bea sa isang panayam na may mga pagkakataon na ginagamit niya sa kanyang mga eksena ang mga hugot niya sa totoong buhay para daw mas makatotohanan ang kanyang pag arte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo