James Reid Nalaos na Dahil Hindi na Kasama si Nadine Lustre!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman sa talakayan nina Manay Cristy Fermin ang nakanselang concert ng actor singer na si James Reid sa Amerika.

Nakarating din umano kina Manay Cristy ang nangyaring pagtataray umano ni James Reid sa dating concert nila noon ni Nadine Lustre.

"Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid. Papaano siya magtatagumpay dito sa Winnipeg? e tinaray-tarayan niya ang mga tagarito noong last concert nila ni Nadine," pagpapahayag ni Cristy Fermin.

Ayon pa kay Cristy Fermin, napapatunayan na umano ngayon kung sino nga ang nagdala sa kasikatan nila. Si James Reid ay palaging nakakansela ang mga shows at concert samantalang si Nadine ay naging best actress kahit pa walang ka-loveteam.

"Dito, obvious na obvious na 'yung babae ang lumutang. Kasi alam naman natin, naging best actress. Kumita pa, nag-number one ang pelikulang deleter ni Nadine Lustre. So kayang-kaya pala nito ni Nadine na wala si James Reid. Pero itong si James Reid, anong naganap? Kailangan niya talaga itong si Nadine." 

"Ngayon nagkaalaman. Bakit hindi niya nasabi na kaya na-cancel yung kanyang concert tour na ito e hindi gumalaw ang bilihan ng ticket," pagbubuking pa ng kolumnista.

Napasama din sa kanilang talakayan ang pag-alis ni James Reid sa Viva upang magsolo sa kanyang career sa Amerika sa pag-aakalang lalo pang sumikat subalit tila kabaliktaran ang kinalalabasan.

"Kumbaga, minaliit mo itong napakalaking milagrong ginawa sa karera mo. Sa pag-asa mo na kapag ikaw na lang ang nag-manage ng karera mo ay totodo nang husto ang kasikatan mo, anyare?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo