Isko Moreno Magreretire na sa Pulitika!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Nilinaw ni dating Manila Mayor na si Isko Moreno sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na hindi na siya muling papasok sa pulitika.

Mariing itinanggi ni Isko Moreno ang pagbabalik umano niya sa paglilingkod sa bayan at ang pagpasok muli sa pulitika.

"No, Retired na ako Ogie. Well as far as I'm concerned, I'm happy now. I'm enjoying life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family. More time with my family," sagot ni Isko Moreno sa tanong ni Ogie Diaz hinggil sa pagbabalik pulitika.

Sa katunayan, ay hindi na umano napag-uusapan pa ng kanilang pamilya sa kanilang tahanan ang anumang usapin hinggil sa pulitika.

Matatandaan na si Isko Moreno ay ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Isa din siya sa mga naging presidential candidate sa national elections noong 2022, subalit hindi nanalo. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo