Carla Abellana, Inamin Ang Pagsisisi Na Pinakasalan si Tom Rodriguez!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay sumailalim si Carla Abellana sa lie detector test sa kanyang guesting sa YouTube channel ni Bea Alonzo. 

Nang tanungin ni Bea si Carla kung makikipagbalikan pa ba siya sa dati niyang asawang si Tom Rodriguez, mariing sagot ni Carla ay "Hindi!"

Hindi rin ang isinagot ni Carla ng tanungin naman ito ni Bea kung may pinagsisihan ba siya sa pagpapakasal kay Tom Rodriguez. Subalit, tumunog ang machine na siyang nagpapahiwatig na maaring nagsinungaling si Carla.

Ipinaliwanag naman kaagad ni Carla na baka sinusubukan ng kanyang isip na bigyang-katwiran na hindi siya nagsisisi na magpakasal dahil bilang isang Katoliko, isang paniniwala na ang lahat ay nangyayari ayon sa kalooban ng Diyos. 

Gayunpaman, nang walang pagsasaalang-alang tungkol sa kalooban ng Diyos, inamin ni Carla na pinagsisisihan niya ang pagpakasal kay Tom.

“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat kasi part yan ng plan ni God.’ But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat yon, yes, talagang magsisisi ako… nagsisisi ako,” pag-amin ni Carla Abellana.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo