Willie Revillame Nagsalita Na Hinggil Sa Pagsasara Ng AllTv!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag si Willie Revillame hinggil sa napapabalitang pagsasara at pagpapatigil ng ilang programa ng AMBS ALLTV.

Hindi nagustuhan ng TV host na si Willie Revillame ang reaksyon ng ilan hinggil sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS. Marami kasi ang mga natatawa at sinabing kinarma ang mga artistang lumipat sa nasabing estasyon.

Nauna nang naiulat na ipinahayag ng AMBS na pansamantala munang titigil ang ilang self-produced programs ng ALLTV dahil sa kawalan umano ng mga advertisers.

Kaagad namang umalma si Willie Revillame sa ilang mga netizens na tila natutuwa pa sa pagtigil ng ilang programa nila dahil ayon kay Kuya Will, nakakatulong naman ang kanilang programa sa gobyerno at sa kababayan nating nangangailangan.

“Tapos madidinig n’yo lang na mawawala, hihinto, natutuwa kayo. Matutuwa ba kayo na may mga kababayan tayong natutulungan, mawawalan? Dapat nga, ipinagdarasal n’yo kami na magtuloy-tuloy yung programa.”

“Ganoon talaga, eh. Ang dami ninyong sinasabi, ‘Buti nga sa inyo, ang yabang-yabang n’yo kasi!’ Anong ipinagyabang namin? Hindi ko ipinagyayabang itong ginawa namin na ‘to. Sinasabi ko lang sa inyo, itong programang ito, it’s not about me. It’s about the program Wowowin,” pahayag ni Kuya Will.

Muling nananawagan si Kuya Will ng dasal upanng makakapagpatuloy pa ang kanilang programa at nang may matutulungan pa silang marami.

“Ipagdasal n’yo kami. Ipagdasal n’yo kami na maging successful ito para maraming mga istasyon na maraming magawa. Marami kayong marinig na kabutihan. Set aside n’yo yung pulitika.”

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang AMBS  hinggil sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo