Lolit Solis, Hiling Ang Maraming Pang Masasayang Araw si Kris Aquino!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ni Lolit Solis sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ang kanyang saloobin hinggil sa pamamasyal ni Kris Aquino kasama ang kanyang mga anak sa Disneyland.

Ipinahayag ni Lolit Solis ang kanyang kasiyahan sa unti-unting pagbabalik ng kalusugan ni Kris Aquino.

"Nakakatuwa naman iyon mga photos nila Kris, Bimby at Joshua na kuha sa Disneyland. Mukhang nagbalik na ang health ni Kris at ang gandang tignan na very healthy ang mga anak na sila Joshua at Bimby."

Tuwang-tuwa din ni Lolit Solis sa kanyang nakikitang closeness ng mag-ina. Hiling niya na sana ay magkaroon pa ng maraming masasayang araw kagaya ng pamamasyal nila sa Disneyland.

"Talagang makikita mo ang closeness ng mag ina at kung gaano kamahal ng mga bata ang mother nilang si Kris. Sana nga ay tuloy tuloy na ang paggaling ni Kris para wala ng problema. At sana marami pang masasayang araw together silang tatlo."

Makikita rin ang hindi mabayarang mga ngiti ng dalawang anak ni Kris sa tuwing kasama ng mga ito ang kanilang ina.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo