Francine Diaz & Seth Fedelin May Bagong Achievements Na Kinabilib Ng Manager Ni Chin.

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Jerome

 

Manager ni Francine Diaz proud na proud dahil sa ka love team nito na si Seth Fedelin, dahil kahit na bago pa lamang ang loveteam ng dalawa ay marami na itong achievements.

Loveteam na FranSeth, umabot lang naman kasi sa 20 million views ang kanilang Tiktok videos kaya naman proud na proud sa kanilang dalawa ang manager ni Francine Diaz, na ininflex niya ito sa kanyang Instagram post. 

Hindi naman daw nakakapagtaka na mag viral o mag trending kaagad ang Tiktok video ng FranSeth dahil nga sa dami ng mga tagahanga ng dalawa, marami nga sa mga fans nila ang kinilig ng husto dahil sa pagsayaw ng dalawa ay bagay na bagay daw sila. 

Baguhan palamang sa industriya ang loveteam na FranSeth ngunit ito nga ay sikat na sikat na, pero alam naman natin na malayo pa ang tatahakin ng dalawa, maraming pagsubok pa ang darating pero ang mahalaga ay mas marami pa ang kanilang mapapakilig sa mga darating pang panahon. 


@francinesaenz_ 😃 @imsethyboy #fyp ♬ Sure Thing (sped up) - Miguel

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo