Cherry Pie Picache Hangang-hanga Sa Skills ni Coco Martin!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Namangha si Cherry Pie Picache sa mga improvement ni Coco Martin bilang aktor at direktor.

Sa isang panayam nitong Huwebes, ibinahagi ni Cherry Pie ang kanyang saloobin tungkol kay Coco Martin sa muling pagsasama nila para sa paparating na seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

"Grabe! Sabi ko nga he never ceases to amaze me. Sobrang amazing 'yang bata na 'yan. Hindi ba normally kapag habang tumatagal ka nagme-mellow down ka, 'yung ganun? But his grit, his passion, his commitment, his dedication to his craft, helping generously the people in the industry, 'yung creative juices niya, grabe. Iba ito," pahayag ni Cherry Pie.

Isiniwalat din ni Cherry Pie na matagal na niyang pinapangarap na muling makatrabaho si Coco Martin.

"I'm playing the role of Marites. Ako 'yung nanay ni Coco, at nanay ko si Ma'am Charo Santos. So kami 'yung family, 'yung community sa Quiapo. Sana kung paano niyo po minahal ang 'FPJ's Ang Probinsyano,' ganoon din po ang pagmamahal, suporta, at pagsubaybay na ibigay niyo," dagdag pang pahayag ni Cherry Pie.

Mapapanood na ang FPJ's Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin kasama ang aktres na si Lovi Poe, sa lunes February 13, 2023 na siyang papalit sa timeslot ng Mars Ravelo's Darna na pinagbibidahan naman ni Jane De Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo