Cristy Fermin Naumay Sa Pag-amin Nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa Kanilang Relasyon!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng saloobin ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa pasabog na pag-amin nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kanilang pinakatatagong relasyon sa mismong Araw ng mga Puso.

Ayon kay Cristy Fermin, naumay na umano ang mga netizens sa kakahintay sa kanilang pag-amin dahil kahit hindi na nila sabihin ay halata naman umano ang relasyon nilang dalawa noon pa mang kakahiwalay pa lamang nina Aljur at asawang si Kylie Padilla.

“Ilang buwan na po ba tayong nagsasabi na umamin na kasi kayo dahil puro kayo deny. Kapag ganyan, deny nang deny ang personalidad, kapag lumantad kayo at nagsabing kayo na, wala na pong magugulat…naumay na,” pahayag ni Cristy Fermin.

Tila mas inaabangan na umano ngayon ng mga netizens ang pag-amin nila na may anak na silang tinatago sa madla.

“Kung nanggugulat po kayo ng publiko AJ at AJ, wala nang magugulat at kung gusto niyo naman kaming biglain para sa pag-amin ninyo na mayroon na kayong anak, wala na rin ‘yung pagkabigla kasi open secret na ‘yan, matagal na ‘yang pinag-uusapan,” mensahe ni Cristy sa dalawa.

Subalit, hindi na rin umano magugulat pa si Cristy Fermin sakaling aminin ng dalawa ang pagkakaroon ng anak dahil noon pa man ay napag-uusapan na umano ito. Kaya pupusta pa siyang may anak na nga ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo