Coco Martin, singsing ang naisip ibigay kay Julia Montes ngayong Valentine's Day

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Sparkle

 


Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, nag-splash ang aktor na si Coco Martin sa pagsasabing maaari niyang regalohan ng singsing ang rumored bride na si Julia Montes.


Sa pagbisita ni Martin sa TeleRadyo "Sakto" program, natanong ang aktor kung ano ang maibibigay niya sa mga leading ladies ngayong Valentine's Day.


Nang banggitin ang pangalan ni Montes, ngumiti si Martin at sumagot: "Singsing."




"Kasi si Juls, sobrang espesyal sa akin," dagdag na paliwanag ni Martin.


Ilan sa mga nabanggit na aktres na naging leading ladies din ay sina Andi Eigenmann, Maja Salvador, Erich Gonzalez, Kim Chiu, Yassi Pressman at Bela Padilla.


Nabanggit din ang pangalan ng kanyang pinakabagong leading lady na si Lovi Poe.


Nitong nakaraang linggo lang ay nagpakilig at nagdulot ng saya sa CocoJuls o fans nina Martin at Montes ang pahayag ng aktor na nagsimula ang lahat sa seryeng "Walang Hanggan".


Hanggang ngayon ay hindi pa lantarang inaamin nina Martin at Montes ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Huling nagkasama sina Montes at Martin sa seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."


Magsisimulang ipalabas ang "FPJ's Batang Quiapo" ngayong Lunes ng gabi, February 13, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo