AJ Raval Naglabas Nang Ebedensyang Hindi Galit Sa Kanya si Kylie Padilla!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na nakapagtimpi si AJ Raval at ipinamukha na sa mga tumatawag sa kanyang kabit ni Aljur Abrenica. Ipinakita na niya sa publiko ang chat conversation nila ni Kylie Padilla, ang estranged wife ng boyfriend niya ngayong si Aljur Abrenica.


Sa comment section ng Facebook post ni AJ Raval noong February 23, ibinahagi niya ang screenshot ng pag-uusap nila ni Kylie, kung saan nagbigay respeto siya sa huli at pinaalam ang pagpo-post niya ng video nila ni Aljur sa social media.


Mensahe ni AJ kay Kylie, “Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine.”


Agad naman itong sinagot ni Kylie at sinabing okay sa kanya ang relasyon nila ni Aljur. Ipinunto pa ni Kylie na hindi talaga siya ang naging problema ng relasyon nila ni Aljur noon.


“Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before."


"Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay,” sagot naman ni Kylie.


Pinasalamatan naman ni AJ ang pagiging understanding nito at tinanong pa kung maari siyang ifollow nito sa kanyang social media accounts.


Sa pagpapalabas ni AJ Raval ng ebedensyang hindi naman galit si Kylie sa kanya tila ipinapahayag niya sa publiko na walang ibang mas may karapatan na pagsalitaan siyang kabit kundi si Kylie lamang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo