Coco Martin at Willie Revillame Pinagkumpara Sa Pagtulong, Matapos Manumbat Ni Willie, Cristy Fermin

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Jerome

 

Sa isang episode ng programa ni Cristy Fermin ay hinangaan niya ang actor director na si Coco Martin at ikinumpara naman niya ito sa host na si Willie Revillame. 

Ayon kay Cristy Fermin ay hinahangaan daw niya ang napaka mabuting loob ni Coco Martin, dahil daw sa pagtulong ni Coco sa beteranong actor na si Pen Medina. 

Sa media conference ng FPJ's Batang Quiapo ay inamin ni Pen Medina na napakalaki ng naitulong ni Coco Martin sa kanyang pagpapagamot at pagpapagaling, saad ng beteranong actor na sa pagpapa hospital daw at pagpa-opera niya ay si Coco Martin daw ang may pinakamalaking na itulong sa kanya. "Nang lumabas po ako ng hospital ay nagpasalamat po ako sakanya itinext ko siya at ang sinagot naman niya sa akin ay tito Pen malakas kana ba? Taping tayo para hindi ka mainip sa bahay." 

Dahil dito ay ramdam daw ni Cristy Fermin na talagang mayroon paggalang ang actor derictor sa kanyang mga senior actor at makikita talaga na taos puso ang ginawang pagtulong ni Coco martin, busilak daw ang kanyang puso. 

Dagdag pa ni Cristy ay, "Ang pagtulong po ni Coco Martin kay Pen Medina ay pinuri po ng ating mga kababayan yan po ay sinabi ni Tito Pen sa press conference ng Batang Quiapo." 

"Yong pagtulong po ni Coco Martin sa mga kasamahan niya sa industriya ay hindi niya ipinapaalam at lalong wala din po siyang planong ipanumbat ito dahil totoo pong napakabusilak ng puso ni Coco Martin."


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo