Coco Martin at Miles Ocampo Tinanggihan Ang Pagpapaunlak Ng Interview Kay Toni Gonzaga!

Lunes, Pebrero 20, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang umano'y pagtanggi nina Miles Ocampo at Coco Martin sa imbetasyon ni Toni Gonzaga na makapanayam sila sa kanyang programang 'Toni'.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon noong pilote episode pa lamang ng programang 'Ang Batang Quiapo' ay nakipag-ugnayan na ang programa ni Toni sa manager ni Miles na si Maja Salvador para sa isang interview.


Subalit, wala umanong tugon ang kampo ni Miles o ni Maja Salvador sa imbitasyon ng Toni Talks at tila dinedma lamang ng mga ito.


Maging ang bida at direktor ng pelikulang 'Ang Batang Quiapo' na si Coco Martin ay pinadalhan din ng imbistasyon ng Toni Talks. 


Subalit, kagaya ng kampo ni Miles Ocampo ay hindi rin ito nagpaunlak ng panayam.


Isa ito sa napag-usapan sa vlog nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika na Showbiz Now Na sa kanilang Youtube channel.


Noon pa umanong February 15, nagpadala ng special request sina Toni Gonzaga sa nabanggit na mga aktor, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang tugon ang show mula sa dalawa.


Kaya ayon pa kay Cristy Fermin, na tila ba ay napakawalang delikadeza ni Toni Gonzaga at nakuha pang imbitahin ang dalawa. 


Iniisip pa talaga nitong lahat ay makukuha niya sa isang panayam. 


Halatado naman umanong hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos ng ilang mga celebrities ng ABS-CBN. 


Dahil halos lahat ng kanyang inimbitahan sa nasabing channel ay hindi siya sinipot at pinaunlakan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo