Catriona Gray Nagsalita Na Sa Balitang Kasalan nila Ni Sam Milby!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Itinanggi na ni Catriona Gray ang tsismis na kasal na siya kay Sam Milby.

Sa isang panayam, nilinaw ng dating Miss Universe na hindi totoo ang mga tsismis na umano'y nagpa-private wedding na sila ng kanyang nobyo na si Sam Milby.

"Medyo nagulat ako kasi nakita ko 'yung articles na married na ako daw. But I guess there are always going to be rumors naman," pahayag ni Catriona.

Aminado naman si Catriona na bagama't hindi pa sila kasal ay napag-uusapan na rin nila ang pagsesettle down.

"I think we have been together for long enough. We definitely talk about it so let's see."

Subalit, mas nakafocus umano muna ngayon si Catriona sa kanyang career. 

Matatandaang, isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2020. Sa isang interview noong 2022, ipinahayag ni Sam Milby na si Catriona na ang kanyang maituturing na the one.

"I say I believe so because I wouldn’t be in this relationship if she’s not the one. I really do. Hintay lang kayo and you will be surprised. Basta abangan n’yo po. I’m not getting any younger either. I’m turning 39 next year."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo