Anne Curtis Tinuruan Si Regine Velasquez Kung Paano Kantahin Ang ‘Dadalhin’!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Naging masaya ang pagbisita nina Regine Velasquez kasama ang Divine Divas sa Kapamilya noontime show na It's Showtime nitong byernes February 3, 2023.

Sa nasabing show, kinanta ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang hit song na Dadalhin kasama ang Divine Divas at ang mga host sa nasabing show.

Samantala, sa huling bahagi ng kanta ay pinaturuan ni Vice Ganda si Regine Velasquez kay Anne Curtis kung paano ang tamang pagkanta sa huling bahagi.

Agad namang sinakyan ni Regine Velasquez ang hirit ni Vice at sinadyang maliin ang tono ng kantang Dadalhin. Game na game namang tinuruan ni Anne si Regine. Maging ang asawa nitong si Ogie Alcasid ay nagpaturo din kay Anne, matapos pabirong maliin ang huling bahagi ng awitin.

Sa huli, sina Jackie Gonzaga at Curtis ang nag-duet ng huling bahagi ng kantang “Dadalhin.”

Sa kabilang banda, nalalapit na ang gaganaping concert ni Regine Velasquez na naging dahilan kaya hindi umano ito natuloy sa kanyang special participation sa huling bahagi ng Mars Ravelo Darna na pinabibidahan ni Jane De Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo