Barbie Forteza at David Licauco Nagtrending!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome

 

Muli na namang nagpasabog ng kilig ang kapuso loveteam na sila Barbie Forteza at David Licauco na mas kilala ngayon sa bansag na FiLay, ito ay hinango base sa mga character nila sa GMA series na Maria Clara at Ibara bilang sila Fidel at Klay na talaga naman na pumatok sa mga manonood at sinusubaybayan ng mga manonood. 

Kahapon naman sa Fast Talk with Boy Abunda, ay mas pinakilig pa lalo nilang dalawa ang mga kapuso viewrs dahil sa mga sagot nila mga tanong ni Tito Boy Abunda. Samantala naging isa sa naging top trending topic sa social media ang guesting ng breakout loveteam sa FTWBA.

Dahil nadin sa mga naging sagot nila sa mga tanong tungkol sa ligawan, tanong naman ni Boy Abunda kay David, "Halimbawa lamang David hypothetical single si Barbie liligawan mo siya?" tugon naman ni David sa tanong ni Boy Abunda. "I like smart and go get their na babae."

"So no," natatawa namang singit ni Barbie, at sabi ulit ni David, "I like cute girls and simple lang."

Hirit naman na tanong uli ni Boy Abunda, "It is a yes or no?" Agaran namang sinagot ni David na, "ganun si Barbie so Yes" 

Kasunod naman nito ay si Barbie naman ang tinanong ng host na. "Jack if you are watching biro lamang ito, Barbie ikaw kung wala si Jack ay sasagutin mo ba si David? Knowing what you know about him now?"

Sagot naman ng dalaga, "Siguro kapag mas nakilala ko pa siya deeper, kapag naging close siya sa family ko and all basta talaga kapag nalaman ko na kung paano siya manligaw, maybe I'll have the answer then but now were really good friends, so yes." nakangiti itong sagot ni Barbie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo