Awra Briguela New Boyfriend? Pumapag Ibig Ulit Si Awra!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Sparkle

 



Awra Briguela, binigyan ng rose ng social media star na si Oliver Moy.


Awra Briguela at Oliver Moy, may relasyon na kaya?


Tila pumapag-ibig na ang online sensation, aktor, at social media influencer na si Awra Briguela matapos nitong magbahagi ng larawan.


Makikita na may kasama itong napakagwapong lalaki.


Sa larawan ay makikita na tila hindi maipinta ang kilig sa mukha ni Awra Briguela nang bigyan siya ng flowers ng nasabing lalaki.


"I guess I'm special"


Ito ang naging caption ni Awra sa kanyang Instagram post.




Maraming netizens naman ang na-curious kung sino ang lalaking nagpapatibok ng puso ngayon ng aktor na si Awra Briguela.


Ang lalaki sa larawan ay kinilalang si Oliver Moy. 


Si Oliver Moy ay isang famous tiktok star, internet personality, youtuber na taga-Florida, United States.


Marami nga ang napa-sana all matapos makatanggap ng bulaklak si Awra Briguela mula kay Oliver Moy.





Bukod sa napakasikat nito ay talagang makalaglag-panga ang kagwapuhan nito. 


Wala namang binanggit ang aktor na si Awra Briguela tungkol sa totoong relasyon nila ni Oliver Moy.


Ngunit may ilang netizens ang nakapagsabi na marahil ay may something special sa kanilang dalawa.


May ilan ring nakapagsabi na nililigawan ni Oliver Moy si Awra Briguela.


Samantala, narito naman ang reaksyon ng mga kapwa artista ni Awra Briguela sa mga larawan nila ni Oliver Moy na kanyang ibinahagi sa social media.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo