Arjo Atayde Nagsalita Na Sa Kasalan Nina Alden Richards at Maine Mendoza!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktror at Quezon City First Distric Representative na si Arjo Atayde hinggil sa mga kumakalat na balitang ikinasal na noon sina Maine Mendoza at Alden Richards.


Kumakalat kasi ngayon ang ilang mga larawan at videos na kuha umano sa kasalan ng dalawa. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ang maraming AlDub Nations na ikinasal na nga ang dalawa.


Naniniwala ang mga ito na hindi magiging legal ang kasalang magaganap sa pagitan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil nauna na itong ikinasal kay Alden.


May mga nagsasabi pang hindi naman totoo ang relasyon nina Maine at Arjo dahil ginagawa lamang umano ito ng dalawa para sa kanilang trabaho.


Naitanong naman kay Arjo Atayde kung ano ang masasabi niya sa mga balitang  kumakalat na ito.


Ayon kay Arjo, "Wala na akong pakialam diyan. Ang dami kong problema sa District One, di ko na iyan pinapansin."


"So much better things to do, and life is moving on. We're growing together, that's the most important thing to me."


Dagdag pa ni Arjo na masaya sila ngayon sa relasyon nila ni Maine Mendoza at excited na rin silang pareho sa darating nilang kasal.


Hindi na rin umano nila pinapansin ang isyung ito sa pagitan ng mga Aldub fans dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang preparasyon sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.


Matatandaaan na ikinasal nga sina Maine Mendoza at Alden Richards noong 2016. Subalit ang kasalang ito ay hindi naman totoo dahil ginawa lamang nila ito para sa kanilang AlDub tandem.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo