Programa Ng Ambs-AllTv- Magpapaalam Na?

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa iba't-ibang entertainment sites ang umano'y pansamantalang pamamaalam ng ilang mga programa sa AMBS ALLTV ni Manny Villar.

Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon ay naglast taping na umano ang isa sa mga programa nila. Subalit, hindi naman binanggit kung anong programa ang siyang mamamaalam na.

Hinihintay na lamang ang official statement ng AMBS hinggil sa isyung pansamantalang pamamaalam ng ilan sa kanilang mga programa.

Narito ang ilan sa mga programang pinapalabas sa AllTV, ang gameshow ni Willie Revillame na 'Wowowin', ang talk show ni Toni Gonzaga na 'Toni', at ang Mhies on Mission nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.

Hindi naman ito makakatulong sa AllTv dahil ilang buwan pa lamang nang opisyal na nagbukas ang kanilang network.

Samantala, agad namang nagkanya-kanya ng hula ang ilang mga netizens kung anong mga programa na naunang nabanggit ang siyang pansamantalang mamaalam.

May mga humula na ang show ni Willie Revillame ang siyang mamaalam dahil sa pagkakaroon nito ng Zero rating noon. Subalit, ayon naman sa ilan na ang talk show ni Toni ang mamaalam dahil sa pamboboycott ng ilang kakampinks.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo