Abs-cbn Executives Pumalag Sa Panunumbat Ni Liza Soberano Sa Kapamilya Network Management!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Sparkle

 


Ilang ABS-CBN Executives at writers ang hindi sang-ayon sa sinabi ni Liza Soberano, lalo na tungkol sa paglilimita nila sa aktres sa mga gagawing proyekto.


Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa executives at writers ng Kapamilya network ang kontrobersyal na pahayag ng aktres na si Liza Soberano.


Sa tell all vlog niya this week, tunog nanunumbat at mistulang walang utang na loob daw kasi si Liza sa ABS-CBN.




Ang ABS-CBN ang naging tulay para marating niya ang kinaroroonan niya ngayon.


Sa nasabing vlog na pinamagatang 'This is Me', buong tapang na inamin ni Liza na sa nakalipas na mahigit isang dekada sa showbiz, pakiramdam niya ay nililimitahan siya ng ABS-CBN na gawin ang ilang paulit-ulit na roles, genres at maging partner ang tanging co-star na si Enrique Gil.


Ibinunyag din ni Liza na pakiramdam niya ay matagal na siyang sunud-sunuran sa mga taong nakapaligid sa kanya at wala siyang masabi sa kanyang career.




Pakiramdam ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano ay para siyang ibon na matagal na ikinulong sa kulungan at nakalaya na.


Sa wakas, magagawa niyang tuklasin ang mundo at magsimula ng bagong kabanata sa kanyang buhay.


Ang bagong landas na tinatahak ngayon ni Liza ay nangangahulugan lamang na sa wakas ay kontrolado na niya ang kanyang buhay at magagawa niyang ituloy ang kanyang mga pangarap na matagal niyang isinantabi.




Mahigit isang dekada na raw siyang nagtratrabaho, para siyang nakulong sa mga paulit-ulit na proyekto at hindi siya nabigyan ng pagkakataong magdesisyon para sa kanyang sarili at sa kanyang career.


Hindi man lang daw siya hinihingan ng inputs niya sa mga ginagawa niyang proyekto. 


Sa vlog na ito, ibinunyag ni Liza ang kanyang tunay na nararamdaman noong mga panahong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN at nasa pangangalaga pa ng kanyang manager noong si Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo