Liza Soberano Binuweltahan Ng Mga Boss Ng Abs-cbn at Ni Cristy Fermin Walang Utang Na Loob Daw!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Sparkle

 


Hindi pinalampas ng mga executive at boss ng ABS-CBN at Star Cinema ang mga isiniwalat ni Liza Soberano kaya naman binuweltahan nila si Liza Soberano.


Maging si Cristy Fermin ay buong tapang na binuweltahan ang pagiging ingrata at pagkawalang utang na loob daw ni Liza Soberano. 


Usap-usapan ngayon sa social media ang rebelasyon ni Liza Soberano sa kanyang latest vlog dahil ibinunyag ni Liza Soberano ang dahilan kung bakit siya umalis sa management ng dating manager niyang si Ogie Diaz at Star Magic na nagpasikat sa kanya bilang si Liza Soberano nang mahigit sampung taon.




Ayon kay Liza Soberano, sa nakalipas na mahigit isang dekada, umikot ang kanyang buhay sa paggawa ng paulit-ulit at pare-parehong mga proyekto at mga katrabaho.


Hindi raw siya nabigyan ng pagkakataon na ipakita ang tunay niyang pagkatao, hindi bilang si Liza Soberano kundi bilang si Hope Soberano.


Kinokontrol daw nila siya pati na rin ang buhay niya sa katauhan ni Liza Soberano na hindi naman talaga siya.




Nagdesisyon siyang iwan ang dating manager na si Ogie Diaz at ang Star Magic management at lumipat sa Careless management ni James Reid.


"I've always been told what to do, what to wear, what to say, and what not to say. I know this was for my own good. It was to protect me and my career but it was a career I had no say in."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo