Si Aga Muhlach Naman Ang Gaganap Bilang BBM Sa Part 3 Ng Pelikula ni Direk Darryl Yap!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


 Ang aktor namang si Aga Muhlach ang gaganap sa papel ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong pelikula na gagawin ni Direk Darryl Yap na Mabuhay Aloha Mabuhay.


Matatandaan na ang unang pelikula ni Direk Darryl Yap na pinalabas noong August 2022 ay ang Maid in Malacanang. Sinundan naman ito ng pelikulang Martyr or Murderer na ilalabas naman sa darating na March 1 ngayong taon.


Ikatlo rito ay ang Mabuhay Aloha Mabuhay na ipapalabas naman umano sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.


Samantala, naging maugong ang bulong-bulungan ngayon sa ilang mga entertainment sites na ang gaganap sa papel bilang pangunahing bida sa nasabing pelikula ay walang iba kundi si Aga Muhlach.


Matatandaan na noon pa man ay isiniwalat ni Direk Darryl Yap na may kasunod pa siyang gagawing pelikula kung saan kabilang sa mga character ay ang dating Vice President na si Leni Robredo.


Subalit hindi pa naman naglabas ng anumang kumpirmasyon ang kampo ng aktor na si Aga Muhlach o ang kampo ng controversial director na si Darryl Yap.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo