Vhong Navarro, Nagbahagi ng Karanasan sa LOOB ng Kulungan!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely



Hindi napigil ni Vhong Navarro ang emosyon sa muling pagbabalik sa noontime show na It's Showtime nitong Lunes, January 16, 2022.

Sa kanyang muling pagbabalik, binalikan ng actor-host ang ilang karanasan sa kanyang pananatili sa kulungan ng mahigit dalawang buwan sa NBI detention center at sa Taguig City Jail.

Ibinahagi pa ni Vhong Navarro ang kanilang paghihirap doon sa loob. May mga kasamahan umano siyang tila nakalimutan at iniwan na ng mga pamilya. Ang iba nama'y katulad niya na walang kasalanan subalit nabilanggo pa rin.

“Pag nadu'n ka pala sa loob, ang hirap. Kasi nakita ko 'yung kasama ko roon na mga inmates ko sa NBI, sa Taguig, naawa ako doon sa mga walang dumadalaw sa kanila. 'Yung iba, iniwan na ng pamilya. At 'yung iba parang katulad ko na wala namang ginawa pero nandoon.”

Ibinahagi pa ni Vhong Navarro kung paano nasubok ang kanyang pananampalataya habang nasa loob ng kulungan.

“Ano ka, ite-test ka talaga ni God kung ano 'yung faith mo sa Kanya. Kaya sabi ko kay Kuya Ogie, ang hope at faith dapat magkasama 'yan. Hindi pupwedeng merong isa lang diyan ang mas mataas, dapat parehas 'yan, pantay 'yan,” pahayag ni Vhong Navarro.

"So kumapit ako sa Panginoon, kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga taong nagdadasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan 'yung mga problemang pinagdadaanan ko,” dagdag pa niya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo