Gladys Guevarra Mariing Itinanggi Na Siya Ang Kabit ni Pambansang Kolokoy!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag at saloobin si Gladys Guevarra sa pagkakadawit ng kanyang pangalan bilang kabit ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy.

Ayon sa mga naglabasang bali-balita, si Gladys ang pinaghihinalaang ipinalit ni Pambansang Kolokoy sa kanyang asawa na si Marites.

Kumakalat ngayon sa social media platform na TikTok ang mga video kung saan kasama ni Pambansang Kolokoy ang babaeng nakasuot ng facemast at shades. Makikita rin kasa-kasama nila ang bata sa backseat ng sasakyan.

Bagama't hindi naman diretsahang ipinahayag na ang babae ay si Gladys, subalit nakatag naman ang komedyante sa kumakalat na video.

Nang makarating kay Gladys agad niyang inalmahan ang chikang ito at pinagdiinang wala siyang kinalaman sa isyu nina Marites at Kolokoy, ipinakita pa niya ang kanyang tiyang upang patunayan na hindi siyang nanganak.

“O shoutout sa mga nagpapaka-NBI hahaha? Kumusta? May nakuha ba kayong mga ebidensya? Para sa inyo ‘to. Mukha ba akong nanganak? Yan tayo eh! Huwag padalos-dalos sa pagbintang mga kapitbahay. Tinawag mo na kong kabit wala ka naman alam. Ano tawag pag wala alam? Di ba BOBO?” maanghang na pahayag ni Gladys.

Aniya pa, “Relax lang muna, chill sabi nga. Pati kusina daw pareho. Hahaha Naku naku naku, wag sasanga-sanga. Ayan tayo eh! Ayusin lang comment, kasi madali ako mag decide. Iba-block agad kita. Sayang naman, wala ka na mababalitaan sa akin pag nagkataon. Tsismosa ka pa naman! Hehehe!”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo