Gown Ni Celeste Cortesi Major Turn off Nga Ba Baka Maligwak Dahil Lang Dito!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga Filipino pageant fans ang gown na isinuot ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na si Celeste Cortesi.

Marami sa mga Filipino pageant fans ang nadismaya at hindi nagandahan sa gown na ipinasuot kay Celeste Cortesi at sinabihan pang kulang sa budget.

Bagama't marami ang nagugustuhan ang pagrampa ni Celeste naging major turn off umano ang pinasuot nitong gown na hindi umano bagay sa isang prestigious pageant. Marami ang mga nagsasabing dahil sa panget na gown na ito ay maaring maligwak pa si Celeste.

Napaka- dull umano ng gown at walang kadating-dating, mabuti na lamang at magaling magdala si Celeste sa anumang ipapasuot sa kanya.

Hindi rin napigilan ng ibang pagkumparahin ang gown na isinuot ngayon ni Celeste sa dating mga gown na isinuot ng mga pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe.

Gayunpaman, ang lahat ng mga komentong ito ay pawang mula sa mga pageant fans pa lamang at hindi ito ang pinagbabasehan sa pagkapanalo o pagkatalo ng Kandidata.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo