RR Enriquez, Hindi Masyadong Namalian sa Ginawa ni Alex Gonzaga sa Waiter!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakaligtas sa pananawsaw ng 'Sawsawera Queen' na si RR Enriquez ang isyung kinaharap ni Alex Gonzaga kamakailan lamang.

Matatandaang umani ng samu't-saring pambabatikos ang ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter na nagsilbi sa kanila noong nakaraang kaarawan nito.

Paura kay RR, hindi gaanong mali ang ginawa ni Alex Gonzaga na pamamahid ng icing dahil normal naman umano itong ginagawa sa birthday party. Gayunpaman, ang nakikitang mali ni RR ay dahil pinahid niya ito sa hindi naman niya gaanong ka-close o kaibigang waiter.

"Hello kapag birthday mo, you are allowed na magpahid ng cake... 'Yun nga lang kasi siguro hindi niya ka-close si waiter," pahayag ni RR.

Hindi rin siya nagbigay ng komento hinggil sa mga kumakalat na mga isyung masama ang ugali ni Alex Gonzaga o ni Toni dahil pawang mga sabi-sabi lamang umano ito at hindi niya kayang patunayan dahil hindi pa naman niya nagkakasama sa trabaho si Toni.

Bagama't nakasama na umano niya si Alex hindi pa naman umano siya naka-encounter na naging masama ito.

"Ako to be honest, nung napanood ko yung viral video ni Alex Gonzaga, hindi naman ako sobrang namalian. Ano bang masama sa pagpahid ng cake? HIndi naman niya sinampal sa mukha ni Kuya yung cake. I'm sure hindi naman intensyon ni Alex Gonzaga na bastusin yung waiter. I guess matututo na si Alex niyan," dagdag pa ni RR.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo