Kylie Padilla Labis Na Nagulat Sa Ginawang Sorpresa Ni Aljur Abrenica!

Sunday, January 29, 2023

/ by Lovely


Hindi pa rin matigil-tigil ang mga bulong-bulungan hinggil sa estranged husband and wife na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng celebrity mom na si Kylie Padilla ang kanyang kaarawan. Bagama't hindi naman nakita sa mga ibinahaging larawan at videos, iniisip pa rin ng ilang mga netizens na present si Aljur sa nasabing okasyon.

Subalit, talagang wala roon ang aktor at estranged husband ni Kylie Padilla, gayunpaman, nagpadala naman umano ito ng isang regalo na inabot mismo ng kanilang anak. Pinaghihinalaang ang inabot na bulaklak ni Alas ang siyang regalo ni Aljur.

Nasiyahan naman ang ilang mga fans nila dahil sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay hindi pa rin nalimutan ni Aljur ang kaarawan ni Kylie. Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang hindi malilimutan ni Aljur ang kaarawan ni Kylie dahil sa matagal nilang pagsasama.

Matatandaang noong nagsasama pa sila ay palaging sinusurpresa ni Aljur si Kylie sa tuwing kaarawan nito.

Labis namang nagpapasalamat ang aktres na si Kylie sa lahat ng dumalo sa kanyang birthday party lalong-lalo  na ang kanyang ama na si Robin Padilla.

@kylienicole_025 happy birthday po idol robin!🥳@onlykylienicolepadilla #kyliepadilla #fypシ #robin #robinpadilla ♬ original sound - kylienicole.025

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo